 | Hero | Jun 3, '10 6:48 AM for everyone |
At last, I am writing a blog here after a year of silence. The good news is that things are getting better now for me. I am building now my motivation to follow my heart and pursue my dreams in life. Thanks to all the positive people around me who inspire to bring the best in me and do not stop believing on what I can and want to do. Thanks to my family and friends, you know who you are.
Exciting events are coming up on my way and I am ready to take that challenge!
I wanna be a superwoman hehehe, to be a hero of my own life.
See you around folks! You'll be seeing a lot of me :)
To my Lolo Puti, happy birthday! Thanks for helping us here! We love you!
lagi kong pinapangarap ang happiness sa buhay...
sa taong ito, dalawang beses ko na syang natikman, noong april 18 nang icelebrate naming magkakapatid ang birthday ni angeli at syempre ako na rin... walang makakapantay sa bonding na to, yung tipong nakakahyper, parang wala ng bukas. kinabukasan non ay muli, nasilayan ko ang ganda ng umaga... mula sa 23rd floor, kita ko ang manila bay kasabay ng pagtilaok ng mga manok na nagbadya sa mga manggagawa na magluto na ng kanilang almusal upang maghanda sa paglikha ng mga matatayog na buildings.
at ngayong araw na ito nalalapit na ang araw ng mga ina, naramdaman ko ito nang kamustahin ako ni tita annabelle, isa sa mga tinuturing kong nanay sa pinas mula ng mawala si mommy. miss ko na ang kwentuhan namin. ngayon narealize ko na sa pagsisikap kong maging makabuluhang tao sa mundong ibabaw, ayokong makita ko ng aking ina na nawawalan ng pag-asa o lakas na sumulong mula sa pagkakadapa.
hay, ang sarap magblog at maibahagi ko uli ang aking happy moments sa inyo.
excited na ako sa may 10 :)
things must come out naturally to you! you don't need much effort for that! you will realize that beauty is in there when you do things in a natural way...
so enjoy life and let it be done unto you! all you have to do, is to appreciate those things, that is happening to your life because everything in this world has its own beauty and purpose
Even a small ant has its own beauty, how much more, to see the whole world, with its enchanting beauty...
You must have the passion and right attitude to see a small ant in her right angle and to see that everything is perfect!
by: anna loraine a. viola "ate babes"
inspired by: christine jill zumel de guzman "ate cidge" * technology seems to evolve, but nature will always be a blessing to us, if we will just slow down.
Sa bayan namin ng Angat, malas mo na ang modernong takbo ng buhay. Sa pagkakaroon ng kuryente, appliances, gadgets at mga negosyong nag-aanyaya ng produktong in sa ngayon. Pero sa gabing ito, tanging kalangitan lamang ang nagsisilbing pag-asa at liwanag sa aming buhay... Biruin mo nga naman, mula sa umagang kay ganda, isang delubyo ang aming naranasan.
The forces of the universe has realigned itself today for my eternal wish of faith, hope, and love. Thank you, Lord. Let it be...
There's so much beauty out here, if i could just share it to someone...
Grabe na to, nakakita ako ng alitaptap...
Brownout dito sa amin. Buti na lang at may rason nang makalabas ng bahay at masilayan ang mga tala. I will not forget this day. :)
Ang talas ng pakiramdam ko ngayon. Naririnig ko ang pag-andar ng mga sasakyan, ang pagsindi ng kalan, ang mga boses ng mga batang naglalaro at tulad ko'y nabibighani sa kapaligiran...
Ang saya, malapit na nga siguro ang Pasko sa pagdating ng Setyembre. Balot ang paligid namin ng fog.:) Pasado alas-syete pa lang pero tila hatinggabi na... napapangiti ako in the mysterious and magnificent scene around me. sabi nga ni ate imelda, para kaming nasa kagubatan na tanging mga bituin ang nagsisilbing liwanag...
Ang sarap ng ulam namin, barbecue at ginisang ampalaya na may itlog. Para mas masarap ang kain ay nagkamay na ko...
Medyo madilim na rin kaya dito na ako sa taas, sa kwarto ko, nakasandal ako sa bintanang kapis. Dama ko ang simoy ng hanging papasok ng aking silid. Tanaw ko ngayon ang mga naglalamay sa burol ni tita lida. Buti na lang at nakahiram sila ng generator upang paunlakan ang mga taong gustong makiramay kahit sa kadiliman ng kalangitan...
Ang saya ng laptop kong nalow bat, nabuhay uli kahit apat na minuto upang mapakinggan ko ang pangalawa sa aking playlist, Real Love na version ni Regina Spektor...
Nakakapanibago rin pala yung walang pinapatugtog na musika. Maaasahan talaga ang Sony E-reader ko. Sa background ko ngayon ang "Little Sparrow" ni David Cook.
" With all the contradictions in our universe, I found in you the certainty of a lifetime"
Salamat...
Attached with my blog is the 2008 IBON Planner Introduction: The richness of the Philippines' natural resources is a source of national pride. However, the government flaunts it to attract foreign capital, offering the bounty of the country's interiors and highlands for exploitations . It is thus no wonder that these resources are increasing being depleted and degraded. Polluted waters, eroded soils, and deforested mountains are telltale signs of abuse.
Soil degradation is widespread, while water sources are being polluted by excessive fertilizer and pesticide use. forests, the natural habitat of a variety of flora and fauna, are recklessly cut down. mining activities, which entail large-scale cutting of trees in mineral-rich upland areas, contribute to deforestation and a host of environmental, social and economic problems. Meanwhile, coral reefshave been damaged through harmful practices such as coral mining, trawling, and indiscriminate coastal development.
corporate-led globalization has accelerated this wanton consumption of resources. The country has been a target of foreign corporations for natural resources extraction to keep their industries going. As the country's wealth is being plundered, the impact is greatest on the poor and marginalized. Peasants, workers, fisherfolks, and indigineous communities suffer the most from resource depletion and environmental degradation.
Peasants face problems due to corporate-controlled agricultural systems that promote unsustainable farming methods dependent on environmentally harmful chemicals. Workers in extractive industries such as mining are the first to endure methods that pose health and ecological hazards. Fishing communities contend with dwindling catch due to destruction of coral reefs and overfishing by big commercial fishers. Deforestation caused by logging and operations of mining corporations are destroying ancestral domains of indigenous peoples. And, of course, the whole nation and its children lose valuable, finite resources.
As stakeholders, the people should move to stop unbridled resource extraction and environmentally harmful practices promoted by globalization. It is the interest of the Filipino masses to stop the plunder of the country's natural wealth.
bat nga ba sa panahong may lumilisang mahal sa buhay, doon naman nagkakasamang muli ang mga naiwanan at binubuhay muli ang pinagsamahan bilang pamilya, kamag-anak, kaibigan, at kababata at kababayan dito sa aming maliit na bayan? so ironic... two sundays in a row ng dalawang malalapit na mga tao ang nagpaalam. pero strangely, dahil sa pagkawala ni tito andy ay instant reunion naman ang nabuo. ang saya nung isang linggo, kumpleto kaming magkakapatid with our one and only pamangkin keeno, tapos nandyan pa si lola poy at si tita edith. so perfect. walang katapusang kamustahan sa isa't isa. may mga bonding moments din na sobrang hapi. you can see in my photos here yung magkakasama kami nina lola poy, bianca, tita edith and me, sayang nga at di nakasama si angeli for her to capture that kodak moment. classic: Ang mga babae ng Angat. Ngayon naman si Tita Nida ang lumisan. Their ancestral house will always be a special part of my childhood days. Mga anak ni Tita Nida ang kababata ko at kalaro. Sila ang kapitbahay namin na may slide para sa aming mga chikiting.Tapos tabi non e may puno ng kamias na inaakyat namin at nagsisilbing saksi ng aming mga fantasy dreams nung bata. Naalala ko non, pagandahan kami ng laruan. Hay tapos kapag nagsawa na sa kwentong barbero, punta naman kami sa kalsada para maglaro ng tagu-taguan, syato, patintero at piko. Ang saya lang nung bata pa kami.
sa hirap ng buhay ngayon, bawal magkasakit at dapat maging matipid ka sa buhay.
finally the prelims ended na and midterms has just began. for that, kagabi, naisipan kong magthorough beauty rituals (ako na lang nakakaalam ng vanity ko...hehehe). early this morning, rosemay and i planned to walk and, fortunately, e natuloy na nga. after that linis mode naman. general cleaning ng room ang moda. while typing this, i am just taking a break to finally take a shower.
ang sarap ng feeling after. ang gaan ng feeling at feeling batak ang katawan after the morning exercise and clean up. excited na akong mag-aral maya. nakakatuwa rin kasi today i am free from taking the caratig (yan ang tawag sa jeep na umiikot sa bayan ng malolos). makakatipid ng pamasahe ngayon. 8.50 na rin kasi ang bawat sakay. tutal e wala namang pasok kaya umiikot lang ang mundo ko ngayon sa dorm ko hanggang sa mga lugar na pede ko namang lakarin lang. nakatipid ka na e nakapag-exercise pa.
at last, prelims is over and the great thing is that i did well overall... last weekend was a perfect time to make bonding with my friends, buti na lang free din sila.:)
right after our accounting exam e we (rizza, jho,anne, michelle, isip and i) went to paombong @ isip's place. sound trip, view pix at syemps kain ang moda namin sa kanila. nakakaunwind talaga.
by saturday, it's time naman to see the rest of cj babies in baliuag. the day coincides with the birthday of tita mayen, ellaine's mom, ang saya at nagkayayaan kami nila kuya mac at clevy na pumunta. daming hassle before we eventually arrived at ellaine's place. nandyan ang nagkakaubusang jeep to angat as early as 7 in the evening, nag-aangas na mga pasahero, dalawang magkasunod na short brownout and all. pero sulit naman at pagdating namin ay may masarap na spag at bibingka at syemps ang walang kamatayang videoke. matutulog na lang e nagkahiritan pang pumunta sa terrace. at duon e cheka fatal kami. kinabukasan, fly naman sila sa amin to taste the special pancit canton --- (may chili powder kasi). to make it more fun, we watch kengkoy stuff and charice pempengco @ you tube. may naganap ding di inaasahan at ang mahiwagang 3m stotch tape na available ang naging tagapagligtas namin. si igme kasi e nagparamdam e tuloy nadelay ng nadelay ang pag-alis namin pero sa totoo lang e blessing in disguise na rin.
pagdating sa dorm, di pa tapos ang masasayang oras ko dahil nagbonding kami nila rosemay, jomie at anna sa chowking as a celebration ng pagtop ko sa accounting exam.
hay kakatuwa naman. sana laging ganito after the exams... isang makulay na moments kasama ang mga kaibigan.
luv u all! mwah!
today is the moment in evaluating what i had learned so far in this intermediate accounting. hindi na lang ito basic accounting... to the next level na ito. and so far sa mga nacheckan ni sir na mga papers e ako ang nagtop. hapi! :) sabi nga ni sir, indicator ang papasa sa committed na maging CPA at mapasa ang board exam in the future. indeed, i made it! kaya lalo ko pang pagbubutihan. each lessons that we will have is a step forward in reviewing for the CPA board exam. sa lahat ng supportive sa goal kong ito, para sa inyo lahat ito! salamat!salamat! Being a part of the University of Regina Carmeli, I joined the school's mass participation last July 16 for the feast of Our Lady of Mount Carmel. I was very enthusiastic to hear the mass then especially that I am a Carmelite since I was in high school. I would also like to give thanks and praise God with all the blessings He had and has given to me as I begin to be adjusted in my academic environment in Malolos. The priest's homily was very enlightening on why a person wearing a scapular will be saved from hell. As he said, the scapular is definitely not an "anting-anting", but a challenge to all who wears the scapular to have a modest life and God at its center. The homily was very persuasive that I decided to buy some for me, my family and friends. Luckily, I do not need to buy since after the holy mass, people are flocking in front of the altar as the church people distributed scapular to the massgoers. I, for one, lined up for the scapulars and requested to have an extra one for my boardmate, Rose May. My boardmate was happy in receiving one from me and since then, we both wear them as a challenge to be a great teacher and accountant.
as a tribute to my mom, i will publish here the edited short story that i dedicated to her and, actually, inspired by her zest for life... i love you mommy...
ANG BESTFRIEND KONG TECHIE ni Christine Jill de Guzman Sa maliit na bayan ng Bulacan, dito na namulat, lumaki at nagkapamilya si Monica. Tumatag si Monica sa pakikipagsapalaran sa buhay mula ng mamatay ang kanyang kabiyak. Naging ama’t ina siya sa kanyang tatlong maria sa murang edad na bente syete anyos. Tila pasan nya na ang daigdig ng panahong iyon lingid sa kaalaman ng mga tao, sapagkat taas-noo pa rin nyang hinarap ang buhay kasama ang kanyang mga anak. Ang kanyang mga munting anghel ang kanyang naging inspirasyon at lakas upang suungin ang mga pagsubok na kanyang nararanasan. Naghanap-buhay si Monica sa paraang alam nya. Ipinagpatuloy nya ang negosyong kanyang nagisnan sa kanyang ina at naging ahente sa isang insurance company. Puhunan nya ang pinagsamang naipon nya at ng kanyang nasawing asawa at tulong pinansyal ng kanyang mga magulang. Hindi rin maipagkakaila sa kanyang mga patron ang kanyang husay sa pagsasalita upang mahikayat silang maging suki sa kanyang tindahan at pumayag pumaloob sa kontrata ng insurance plans na kanyang inaalok o nababagay sa kanila. Dahil sa pagsusumikap nitong mapalago ang kanyang tindahan, napaunlad nya at napalawak ang kanyang ari-arian. Lumawak ang kanyang negosyo mula sa isang pintuang tindahan ng mga bakal at pintura hanggang sa tatlong pintuan at nagdagdag pa ng iba pang mga produkto para sa pagpapagawa ng mga bahay at ng mga establistamyento. Sa kalauna’y naging ganap at matatag na syang negosyante. Ito na ang natatangi nyang pinagkakakitaan upang mapalaki at mapag-aral ang kanyang mga anak para sa kanilang magandang kinabukasan. Noong 1997, tinamaan ng malawakang krisis pampinansya ang Asya na nakapagpababa ng halaga ng iba’t ibang pera kung ikukumpara sa dolyar. Nagtaasan ang mga bilihin at mga bayarin tulad ng gasolina, kuryente, tubig, mga pagkain, damit at iba pang mga pangunahing kailangan ni Juan dela Cruz. Hindi biro ang kalagayan ng piso na mula sa 26.00 kada dolyar ay pumalo hanggang sa 55.00. Dahil dito mas dumami sa mga kababayan ni Monica ang nangibang-bansa upang makahanap ng mas malaking kita para tustusan ang pangangailangan ng kanilang pamilya at makabayad sa kanilang mga obligasyong naiwan. Iniwanan nila ang kanilang mga propesyon o negosyo. Maraming nahiwalay sa kanilang pamilya. Wala sa hinagap ni Monica na darating sa puntong lisanin ang bansa para maligtas ang kanyang pamilya sa krisis na ito. Subalit sa paglaki ng kanyang negosyo ay siya ring paglaki ng kanyang binabayarang mga obligasyon. Kasabay pa nito ang sabay-sabay na gastos sa pang-araw-araw at sa pagpapaaral ng kanyang mga anak sa kolehiyo. Dumagdag pa ang maliit lamang na nakokolekta nya sa malaking mga pautang sa kanyang mga patron at mataas na interes sa kanyang mga pinagkakautangan. Upang masolusyonan ang kanyang problemang pampinansya, tumulak sya sa Amerika para makahanap ng magandang trabaho. Naisip nyang may malaking oportunidad sa ibang bansa basta maging masikap lamang at marunong makibagay sa mga banyaga. Ayaw man yang mawalay sa kanyang mga anak ngunit hinihingi ito ng pagkakataon. Sa pangalawang pagkakataon ay naulilang muli ang kanyang mga anak. Buti na lamang at nasa husto na silang gulang upang makatayo sa kanilang sariling paa. Mga pangaral na lamang at habilin ang kanyang iniwan sa kanyang mga anak na sana’y maging matibay sila sa anumang pagsubok na darating at huwag kakalimutan ang Diyos na Siyang gagabay sa kanila lalu na’t wala si Monica sa tabi ng kanyang mga anak. Hindi naging mapili si Monica sa mga trabahong pwede nyang pasukan sa Amerika. Kung tutuusin nga’y maswerte pa sya sa pag-aalaga ng isang mabait, magilas at intelektwal na matandang babaeng si Helene. Hahanga ang lahat ng makakabasa kung gagawin nya sa ngayon ang kanyang curriculum vitae sa kanyang mga nakamit bilang isang alagad ng sining. Si Helene, 91-anyos, tulad ni Monica ay isang dayuhan rin sa Amerika. Isa siyang German na Hudyo. Naging punong patnugot siya ng peryodiko ng University of California sa Los Angeles at nakapagsulat ng mga mahuhusay na mga libro at mga akda hinggil sa pagkilos ng tao. Dahil na rin sa kanya ay natutunan ni Monica na magbasa ng mga libro bilang libangan kapag wala siyang ginagawa. Naging maganda ang pakikitungo ni Helene kay Monica kung kaya nama’t may anim na taon nang inaalagaan ni Monica ang matanda. Nakita na ni Monica ang maginhawang trabaho para sa kanya. Walang masyadong iniintindi at may siguradong kita sa takdang panahon. Di tulad noong nagnenegosyo siya na minsan mayroon at minsan naman ay wala. Nagagawa ni Monica ang lahat ng kanyang trabaho at may panahon pang makipagtalastasan sa kanyang mga anak sa Pilipinas at panaka-naka’y bumisita sa kanyang mga kamag-anak sa iba’t ibang panig ng Amerika. Lubos ang pasasalamat ni Monica sa teknolohiya at nagiging mas mabilis, mabisa at matipid ang mga pamamaraan upang makausap ang kanyang mga mahal sa buhay. Tunay kasing lungkot at pagkabagot ang kalaban nya sa kanyang trabaho sa ibang bansa. Mula sa pagtawag sa telepono, ngayon ay nakakatawag na siya sa pamamagitan ng computer at nagkakakitaan pa sila ng kanyang mga anak sa kamera. Siya na dating sarado ang isip sa teknolohiya ay natutunang pag-aralan ang mga lumalabas na mga inobasyon lalu na’t kung sa mga produktong makakapagpalapit sa kanya sa kanyang naiwang pamilya. Bumili sya ng computer, digital camcorder, at camera. Maaring wala ito sa kanyang kapanahunan ngunit hindi ito naging hadlang upang pag-aralang mabuti kung paano ginagamit at umaandar ang mga gahetong ito. Nandyan ang magpaturo sya sa kanyang mga kaibigan o kaya naman e sa mismong mga anak nyang kinamulatan na ang mga maliliit ngunit mabisa at makapangyarihang mga bagay na ito. Lubos nyang nagamit ang bentahe na ito upang masubaybayan ang mga kaganapan sa kanyang pamilya at mabilis na makabalita sa kanyang mga anak. Nasaksihan nya ang paglaki ng kanyang mga anak at ang kanyang una’t natatanging apo, ang mga masasayang selebrasyon ng mga kaarawan ng kanyang mga mahal sa buhay, ang walang hanggang pangangamusta at pamamaalam sa araw-araw nyang pakikipag-usap sa kanyang mga anak. May ina bang hindi gagawin ang lahat upang protektahan ang kanyang mga anak? Malayo man sya ngunit malapit din. Sa Amerika na isang banyagang bansa para kay Monica, natutunan niyang makisamang mabuti sa mga kapwa nyang Pilipino doon na nagsisikap rin sa buhay upang maiangat ang kanilang pamilya sa Pilipinas. Pagtutulungan ng mga taga-Angat at ng ibang lugar ay tunay ngang mahusay na sangkap upang maging pangalawang tahanan na rin nila ang banyagang bansang Amerika.
Kung puno ang pagmamahal nya sa kanyang mga mahal sa buhay, dahil na rin ito sa mahal nya mismo ang kanyang sarili at ang walang patid na pagtawag sa Diyos upang bigyan siya ng kalmadong isip upang unti-unti makabangon sa kanyang pagkadapa. Naniniwala siyang ito’y mga pagsubok lamang upang lalung maging matatag sa mga unos ng buhay. Natural lamang ang nagkakamali at ang madapa, ang mahalaga ay kung paano makabangon at magpatuloy sa paglalakbay. Sa ngayon, si Monica ay malapit ng makabayad sa kanyang mga obligasyon at nakakapagpundar muli ng mga ari-arian sa kanyang bayang sinilangan. Nalalapit na rin ang kanyang pag-uwi upang makapiling muli ang kanyang pamilya. it had been quite some time for me to post a blog here. maybe because of the pressure that i had been experiencing since the start of the classes at my new school, University of Regina Carmeli. i have to adapt with my new environment. and, fortunately, with the support of my family, close friends and my new found friends now, i am happy that i am actually starting again to enjoy accounting as i used to be when i encountered my basic accounting at St. Mary's College of Baliuag. accounting is, indeed, my love. hehehe july 22 will be date of our preliminary accounting exam and i am spending my time na in reviewing the principles and practicing problems for me to be confident when the exam comes. to my readers :) , please pray for me that things will come my way. thanks for all the support! my brother was spending a couple of days in the province before the classes resume. this time, we had a new bonding session, reading. :) i was glad when my bro took the book entitled charlie and the chocolate factory in my shelves and read it. to make his journey more fun to the world of charlie, i volunteered to read the story aloud before his bedtime clock ticks. we were amazed on how charlie nibbles his chocolate bar gift for his birthday and makes it last for more than one month. it really made us craved for chocolate.
i hope he finish the book soon in manila and share with me what he learned about it. i grabbed the opportunity to go to the burial of ka bel at pulong yantok since it is near at our place. iba pa rin talaga ang makasalamuha mo ulit ang mga nakasama mo sa isinusulong ring pakikibaka ni ka bel. mamamasid mo ang pangungulila ng mga tao. i felt a tear flowed in my face when i met jet. it brought back the memories of the time when we lost our lolo. isang beterano si ka bel sa larangan ng pakikipaglaban para sa karapatan ng mga manggagawa at masang-api. tulad ng marami, mananatili kang buhay sa amin ka bel sa pagpapatuloy ng ating laban para sa isang malayang lipunan. isang pagpupugay sa iyo, ka bel! may 28, 2008 wednesday
4:30 am wake up call Prayer green tea radio 5am walking * apply 6 steps breathe in, 6 steps breathe out drink water breakfast - 2 bananas + water drink water 10 am accounting review * break every 1 1/2 hours drink water lunch + water for my main meal drink water 2pm gym rest, then, shower balik accounting review drink water dinner - wheat bread drink water read a book drink water 9pm beauty rituals + prepare for tomorrow Prayer 10pm bed time
If your eyes were not the color of the moon, of a day full [here, interrupted by the baby waking -- continued about 26 hours later ] of a day full of clay, and work, and fire, if even held-in you did not move in agile grace like the air, if you were not an amber week,
not the yellow moment when autumn climbs up through the vines; if you were not that bread the fragrant moon kneads, sprinkling its flour across the sky,
oh, my dearest, I could not love you so! But when I hold you I hold everything that is -- sand, time, the tree of the rain,
everything is alive so that I can be alive: without moving I can see it all: in your life I see everything that lives.
Pablo Neruda Commentary on There’s The Rub: Natural - May 15, 2008 I am reliving my Christian faith by my Roman Catholic religion but I still have many things to disagree with the conventions of the church people including its treatment with the gay people. How primitive I might say for the church leaders to see marriage and sex as a sole instrument for reproduction. Reproduction is a very stiff word compare to making love. Yes, as Quiros’ words, “Whatever happened to love?” I am not a professed gay person but, I felt repressed when my clinical instructor told the class that gays’ feelings are allowable to the Church unless they act on it. It’s definitely absurd and hypocrite. You allow the idea of being attracted to the same sex and declare it a sin when a person is full-pledged to practice and experience what he or she believes in. The Church is taking away the most important thing to the gay people ... to love and be loved. bonding sessions with ellaine in angat come in the form of telebabad mode, walking in the early mornings, hearing the mass and now, watching movies... view from the top is a story of a small town girl of pursuing her dream to be an astonishing flight attendant. i watched the movie for the second time to share it with ellaine who has the same dream on her list. it was fun to see my friend be inspired through this film.
i have faith in her as her good character and responsible actions speak of her success in time. i see myself in her during my teenage years... a young promising lady.
i hope this bonding sessions will continue in spite of my transferring of school. i am blessed to have such a great friend. The year 2008 as what my mom said is a year of lots of blessings in pursuing our family's goals. She is right and I have a share of that blessing yesterday, may 6, when I was formally accepted in University of Regina Carmeli under the BS in Accountancy program. A check to one of my childhood dreams! But, this is just the beginning... I am grateful to all the people who prayed and believed in me, my family, my friends, my mentors and the URC family, most especially to our Dean, Mrs. Ma.Evangeline Lopez-Paraan.
Be eager in pursuing your childhood dreams! Never quit!
"Brick walls are there for a reason. They let us prove how badly we want things" - Randy Pausch, PhD, Imagineer and Inspirer
| |